-- Advertisements --

Aasahan pa rin ang malawakang ulan kahit bahagyang nabawasan ang taglay na lakas ng hangin ng typhoon Bising.

Ayon sa Pagasa, kumalat ang kaulapang dala ng bagyo sa Luzon at Visayas, kaya maraming lugar pa rin ang posibleng bahain.

Huling namataan ang sentro ng sama ng panahon sa layong 505 km sa silangan ng Infanta, Quezon.

Taglay nito ang lakas ng hangin na 175 kph at may pagbugsong 215 kph.

Kumikilos ang TY Bising nang napakabagal sa pahilagang direksyon.

Signal no. 2:
Catanduanes, eastern portion ng Camarines Sur at northeastern portion ng Albay

Signal no. 1:
Batanes, Cagayan kasama ang Babuyan Islands, Isabela, Quirino, Apayao, eastern portion ng Kalinga, extreme eastern portion ng Mountain Province (Paracelis), extreme eastern portion ng Ifugao (Alfonso Lista), northern portion ng Aurora, eastern portion ng Quezon kabilang na ang Polillo Islands, Camarines Norte, nalalabing bahagi ng Camarines Sur, natitirang parte ng Albay, Sorsogon, northern portion ng Masbate, Northern Samar, northern portion ng Samar at northern portion ng Eastern Samar