-- Advertisements --

Posibleng malaki ang ibawas sa flood control budget ng Department of Public Works and Highways (DPWH) para sa 2026, maliban na lamang sa mga lugar na itinuturing na “red zones” o matinding binabaha, ayon yan kay Department of Public Works and Highways Secretary Vince Dizon.

May natitirang P350 bilyon mula sa 2025 flood control budget na maaari pang gamitin sa susunod na taon kahit mawala ang P275 bilyong alokasyon para sa 2026. Tanging mga kritikal na lugar ang maaaring pagkalooban ng pondo para sa mga proyekto laban sa pagbaha. Sa kasalukuyan, ito ay patuloy na sinusuri ng kagawaran upang malagay ang pondo sa mga tamang lugar upang mapakinabangan nang maayos.

Makikipag-ugnayan ang ahensya sa Project NOAH upang matiyak na ang mga plano at programa ay nakabatay sa siyensya at nakatutok sa mga red zones.

Samantala, humiling ang kagawaran ng extension para sa pagpepresenta ng kanilang budget sa Kamara. Bukas, Setyembre 12 ang orihinal na petsa ng kanilang pagpepresenta ngunit humiling si Dizon ng dagdag na 2 araw at inaprubahan naman ito ng House Committee on Appropriations.

Sagot ni Dizon sa naging pagtatanong ng Bombo Radyo Philippines, nililinis pa rin nila panukalang budget para sa 2026 upang alisin ang mga dobleng entries at iba pang iregularidad at inamin na nahihirapan sila.

Kumpyansa naman sila na handa na silang ipresenta ito sa Lunes, Setyembre 15.