Nakararanas ng malakas na ulan na may kasamang kidlat at malakas na hangin ang ilang bahagi ng Zambales.

Dulot ito ng thunderstorm na maaaring tumagal sa loob ng isa hanggang dalawang oras.

Maliban dito, asahan din ang mga biglaang pagbuhos ng ulan sa ilang bahagi ng Metro Manila, Tarlac, Cavite, Rizal, Pampanga, Bulacan at Bataan, sa loob ng susunod na mga oras.

Nilinaw naman ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration, na walang umiiral bagyo sa loob o malapit sa Philippine area of responsibility.