Nakaligtas bagama’t nagtamo ng sugat si Makati City Mayor Nemesio Siddons Yabut Jr., matapos na bumangga ang kanyang Mercedes Benz sedan sa isang naka-park na truck sa Makati City kaninang alas-1:00 ng madaling araw.

Ayon sa Makati City police, paliko na si Yabut sa Ayala Avenue mula Kamagong Street papuntang Yakal Street nang bumangga ang kanyang sasakyan na may plakang VFP-939 sa Nissan Frontier pick-up na may plakang ZGY-724 na pagmamay-ari ng isang Canonaso Celon, 33-anyos.

Naka-park lamang ang huli sa tapat ng Makati Police Headquarters sa Barangay San Antonio.

Ayon sa pulisya, agad namang isinugod ang konsehal sa Makati Medical Center para maipagamot.

Sinabi ng Makati Police, amoy alak si Yabut nang isinugod ito sa ospital.