-- Advertisements --

Naitala ng Department of Environment and Natural Resources – Environmental Management Bureau (DENR-EMB) sa Lungsod ng Makati at North Caloocan ang “emergency” level ng kalidad ng hangin nitong Bagong Taon.

Base sa datos ng DENR na nitong alas-2 ng hapon ay naitala ang quality values ng hangin na 301 level sa nasabing dalawang lugar.

Nakasaad sa DENR-EMB system upgrade and configuration na ang unhealthy air quality ay naglalaro mula 201 hanggang 300 habang ang “emergency” levels ay aabot sa 301 hanggang 500.

Sa ilalim ng emergency level ay pinapayuhan ng DENR ang publiko na manatili sa loob kanilang bahay kung saan dapat ay nakasara ang mga bintana at pintuan nila.

Hindi rin dapat payagan ang mga sasakyan maliban lamang kung ito ay emergency.