-- Advertisements --

CEBU – Umabot sa mahigit P2 million ang pinsala sa nangyaring mga sunog sa Cebu.

Una nito, umabot sa tinatayang P500,000 ang damage sa isang hardware store ng Maguikay, Mandaue City matapos tinupok ng apoy. Samantalang nadamay din ang dalawang bahay sa lugar.

Umabot pa sa second alarm ang insidente na nangyari 11:00 pasado ng umaga ngunit ilang oras ang lumipas, dineklara itong fire-out. Patuloy na inimbestigahan ng Bureau of Fire Protection- Mandaue City ang dahilan sa pagsiklab ng apoy.

Wala namang naiulat na nasugatan at namatay sa insidente.

Samantala, umabot naman sa halos dalawang milyong piso ang pinsala nang masunog ang isang establisiyemento sa Brgy. Guadalupe, Cebu City pasado alas otso kagabi.

-- Advertisement --

Umabot din sa second alarm ang insidente bago ito tuluyang naapula.

Kabilang sa tinitingnang dahilan ng apoy ang pinaniwalaang problema sa electrical wiring ng building na isang service center ng sasakyan. Samantala, wala namang nasugatan at namatay sa naturang sunog.