-- Advertisements --
Nasa bansa na ang mahigit 700 na Filipino na nagtatrabaho sa ibang bansa na umuwi dahil sa coronavirus pandemic.
Ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA) na binubuo ito ng 439 na Pilipinong Marino mula sa US at 303 na mga nawalan ng trabaho mula sa Kuwait.
Galing sa Norwegian Joy at Regent Splendor ships sa California habang ang mga galing sa Kuwait ay yung kumuha sa amnesty program ng gobyerno.
Sinabi naman ni DFA Assistant Secretary Ed Menez na asahan na ang maraming mga crew members ang uuwi dahil maraming mga cruise ship companies ang tumigil ng kanilang operasyon.