Iniulat ng Philippine Embassy sa Tehran na wala pang Pilipino ang naapektuhan ng lumalalang protesta sa Iran, ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA) nitong Lunes.
Ayon sa DFA, may humigit-kumulang 823 Pilipino na kasalukuyang nasa Iran, karamihan sa kanila ay permanenteng residente bilang asawa o anak ng Iranian nationals.
Magugunitang nag-ugat ang malawakang protesta sa buong bansa simula noong Disyembre 28, 2025, matapos maitala ang pinakamataas na antas ng inflation, na nagpalala sa krisis ng ekonomiya ng bansa.
Mabilis na kumalat ang protesta sa iba’t ibang rehiyon, lalo na sa mga mahihirap, na humihiling ng pagwawakas ng rehimen ni Supreme Leader Ayatollah Ali Khamenei.
Dahil sa kaguluhan, nagpatupad ang mga awtoridad ng internet shutdown at nagpadala pa ng buong tropa ng security forces.
Iniulat din ng Iranian media noong Enero 10, 2026, hindi bababa sa 2,000 demonstrador ang nasawi matapos diumano gumamit ng live ammunition sa mga awtoridad ngunit 544 palamang dito ang kumpirmadong nasawi ayon sa datos ng U.S.-based Human Rights Activists News Agency.
Dagdag pa ng DFA, patuloy na nag-aabiso ang Philippine Embassy sa Tehran sa mga Pilipino na manatiling maingat at limitahan ang pag-labas habang nagpapatuloy ang kaguluhan.
















