Costa Smeralda cruisliner
Costa Smeralda cruisliner/ website

Nasa 7,000 pasahero ng cruise ship sa Italy ang hindi pinapalabas matapos na isang babaeng pasahero at asawa nito ay sinusuri sa posibleng nadapuan ng Wuhan coronavirus.

Ayon sa tagapagsalita ng Costa Cruises, isang 54-anyos na babae at asawa nito na galing Hong Kong ang sinusuri matapos na makadama ng trangkaso ang babae.

Sa 7,000 na katao, 1,000 dito ay mga crew members.

Ibinukod na ang mag-asawa sa hospital section ng Costa Smeralda Cruiseliner.

Makakalabas lamang ang mga ito kapag nag-negatibo sila sa virus.

-- Advertisement --

Dumating ang mag-asawa noong Enero 25 sa Malpensa airport ng Milan na nanggaling sa Macao.