Magiging magaan na lamang na ensayo ang gagawin ni Filipino boxing icon Manny Pacquiao pagdating nito sa Las Vegas.
Nitong Martes oras sa Pilipinas ng dumating ang dating senador sa Las Vegas ilang araw bago ang paghaharap niya kay Mario Barrios.
Sinabi nito na mayroon na itong ginagawang hakbang para hindi makaranas ang pamumulikat sa binti.
Ang nasabing leg cramps kasi ay kaniyang naranasan mula pa noong 2004 ng makaharap si Juan Manuel Marquez.
Dahil rin sa leg cramp ay siyang naging dahilan ng pagkatalo sa huling laban niya noong 2021 kay Yordenis Ugas.
Dagdag pa nito na tuwing lumalaban siya ay dalawa ang kinakaharap niya una ay boksingerong kalaban at ang kaniyang paa.
Kaya nagkakaroon aniya ng pamumulikat ay dahil umano sa labis na pagmamasahe.