-- Advertisements --

Mahigit na 600 na establishimento ang nakitaan ng Department of Labor and Employment (DOLE) na lumabag sa health protocols na nagiging sanhi ng pagkalat ng COVID-19.

Sinabi ni Labor Assistant Secretary Maria Teresita Cucueco na mayroong 3,888 na establishimento ang kanilang ininspekyon mula Enero 1 hanggang Pebrero 28 para makita kung sumusunod ba ang mga ito sa panuntunan para hindi na kumalat ang COVID-19.

Sa nasabing bilang ay 82 percent ang sumusunod sa health standards hanngang 668 naman ang nakitaan ng pagkukulang para mapigilan ang COVID-19.

Nanguna ang Central Luzon, Northern Mindanao at Davao Region ang mayroong pinakamataas na compliance rates.

Habang ang may pinakamababang copliance rate ay ang Zamboanga Peninsula, Cagayan Valley at Mimaropa.