-- Advertisements --
Nakiisa ang mahigit anim na milyong deboto sa tradisyunal na Alay Lakad sa lungsod ng Antipolo ngayong Holy Week.
Base sa datos mula sa Rizal Police Provincial Office, iniulat ni Governor Nina Ynares na tinatayang 6.082,234 deboto ang nakiisa sa Alay Lakad patungo sa Antipolo Cathedral, na nagtapos kaninang umaga ng Biyernes Santo, Abril 3.
Ang Alay Lakad ay bahagi na ng debosyon ng mga mananampalataya tuwing Semana Santa.
Samantala, inaasahan naman na babalik sa normal ang daloy ng trapiko sa mga kalsada patungong Antipolo kabilang sa Ortigas Avenue Extension matapos ang Alay Lakad.
















