Inihanda na ng mga otoridad ang kaukulang kaso laban sa driver ng SUV na nakasagasa sa isang rider ng Highway Patrol Group (HPG) sa South Luzon Expressway (SLEX).
Ayon kay HPG Director Police Brigadier General Romel Batangan na ang driver ay isang 21-anyos na Filipino-Indian.
Natunton ang sasakyan nito sa isang talyer sa Antipolo City.
Sa kanilang ginawang imbestigasyon ay nataranta umano ang driver kaya tumakas ito.
Hindi niya umano sinadya ang insidente at nangyari lamang ito matapos na mag-overtake.
Magugunitang nagmamaneho ng kaniyang motorsiklo si Patrolman Jeric Aya-ay ng bigla na lamang siyang mabangga ng SUV sa kahabaan ng SLEX sa San Pedro, Laguna noong Hunyo 6.
Nakausap na ng driver ang pulis kung saan humingi ito ng paumanhin.
Tiniyak naman ng HPG na kanilang tutuluyang kasuhan ang driver ng SUV.
















