-- Advertisements --

Isasara ang ilang kalsada sa mga lokal na pamahalaan ng Maynila at Antipolo simula mamayang alas-siyete ng gabi ngayong Huwebes Santo para sa prusisyon ng Hesus Nazareno bukas, Biyernes Santo, Abril 3.

Kabilang sa mga isasarang kalsada sa lungsod ng Manila sa may Northbound at Southbound lanes ng Quezon Blvd. mula A. Mendoza St. o Fugoso St. patungong Quezon Bridge -Mehan Garden kabilang ang C.M Recto Avenue service road.

Ang westbound lane ng España Blvd. mula P. Campa St. patungong Lerma St.; kahabaan ng S.H. Loyola St. mula C.M Recto Ave. patungong Bilibid Viejo St.; kahabaan ng San Sebastian St. mula C. M. Recto Ave. patungong Bilibid Viejo St./San Rafael St.; Westbound lane ng Legarda St., diretso sa P. Casal St. mula C. M. Recto Ave. patungong C. Palanca St.

Ang kahabaan ng San Rafael St./Bilibid Viejo St./Gonzalo Puyat St. mula Quezon Blvd. (northbound); kahabaan ng Arlegui St. patungong Quezon Blvd. (northbound); kahabaan ng C. Palanca St. mula P. Casal St. patungong Plaza Lacson; kahabaan ng Paterno St. mula Evangelista St. patungong Quezon Blvd. (southbound); kahabaan ng Gonzalo Puyat St. mula Evangelista St. patungong Quezon Blvd. (southbound); kahabaan ng Evangelista St. mula Paterno St. hanggang Villalobos St. at kahabaan ng Carriedo St. mula Plaza Lacson hanggang Evangelista St.

Kaugnay nito, pinapayuhan ang mga motrista na planuhin muna ang biyahe at dumaan sa mga alternatibong ruta upang maiwasan ang abala.

Samantala, inanunsiyo ng lokal na pamahalaan ng Antipolo ang pagsasara ng kalsada mula sa Cainta Junction patungong Tikling Ronda at patungong International Shrine ng Our Lady of Peace at Good Voyage para sa Alay Lakad 2026 simula kaninang alas-singko ng hapon.