-- Advertisements --
Nasa epidemic level na ang kaso ng leptospirosis sa lungsod ng Maynila.
Ayon kay Manila City health officer Grace Padilla na pumalo na sa mahigit 1,000 ang kaso ng leptospirosis sa nasabing lungsod.
Dagdag pa nito na mula pa noong nakaraang dalawang linggo ay patuloy ang kanilang pag-obserba ng nasabing kaso.
Mayroong attack rate ng nasabing kaso ng hanggang tatlong kaso.
Inaasahan nila na tataas pa ang nasbing kaso dahil sa patuloy na nararanasang pag-ulan kung saan maraming lugar sa kanilang lungsod ang binabaha.
Napuno na rin ang mga pagamutan sa Lungsod ng Maynila dahil sa pagtaas ng kaso ng leptospirosis kung saan mayroong pagtaas ng infection ang naitala.
















