Ipinag-utos ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Jonvic Remulla ang pagpapakalat ng nasa 50,335 na mga tauhan ng Philippine National Police (PNP) sa nalalapit na malawakang kilos protesta sa Setyembre 21.
Ayon sa kalihim na itatalaga ang mga kapulisan sa iba’t-ibang mga lugar gaya pagbibigay ng police visibility, standby units, pagmamando ng trapiko, checkpoints at border control.
Titiyakin din ng PNP na walang anumang kaguluhan na magaganap.
Dagdag pa nito na suportado sila ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr na magprotesta laban sa mga katiwaliang nagaganap sa bansa.
Handa rin aniya silang tumulong sa mga nais na kumuha ng permit para mag-rally.
Magugunitang iba’t-ibang grupo ang nagkasa ng kilos protesta sa Setyembre 21 na gaganapin sa Luneta at EDSA.