Pasok na sa main draw ng WTA 500 Mubadala Abu Dhabi Open ang Pinay tennis star na si Alex Eala.
Dating bahagi ng wildcard ang 20-anyos na Pinay ngunit sa ngayon ay hindi na niya kailangang dumaan pa sa qualifying rounds at sa halip ay tutuloy na siya sa draw ng naturang turneyo, na inaasahang sasalihan ng iba pang malalaking tennis players sa buong mundo.
Inaasahan ang star-studded lineup sa Abu Dhabi Open sa pangunguna ng defending champion at Olympic gold medalist Belinda Bencic.
Kabilang kasi sa mga nakatakdang maglaro ay sina 2022 Wimbledon champion Elena Rybakina, at dating World No. 2 Paula Badosa.
Sa kasalukuyan, wala pang nakatakdang makakalaban si Eala dahil tutukuyin pa ito pagsapit ng official draw ceremony.
Nakatakda ang naturang torneyo mula Enero-31 hanggang Pebrero-7 ng kasalukuyang taon.
Bago ang naturang laban, inaasahang sasabak muna si Eala sa Philippine Open na nakatakdang magsimula sa araw ng Lunes, Enero-26.















