Umabot na sa mahigit 450,000 katao ang lumilikas mula Gaza City patungo sa katimugang bahagi ng Gaza habang patuloy na pinalalawak ng Israel ang kanilang opensiba laban sa Hamas, ayon sa Israel Defense Forces (IDF).
Sa isang press briefing nitong Huwebes, sinabi ni IDF spokesperson Effie Defrin na dalawang dibisyon na ng Israeli forces ang kasalukuyang nasa Gaza City at inaasahang isang karagdagang dibisyon ang sasali sa mga operasyon sa mga susunod na araw.
Nabatid na simula nang ilunsad ang ikalawang yugto ng opensiba sa Gaza City, mahigit 1,200 na umano ng mga teroristang grupo ang nasupil ng mga puwersa ng Israel.
Samantala, ipinagpaliban naman ng International Rescue Committee (IRC) ang kanilang operasyon sa Gaza City dahil sa lumalalang sitwasyon sa lugar.
Dahil dito huminto din daw ang tulong para protektahan ang mga kababaihan at mga bata gayundin ang tamang pagbibigay ng tulong medikal para sa mga may sakit at mga buntis ayon sa emergencies at the humanitarian aid organization.
















