Anim na Palestino ang nasawi at marami pang iba ang nasugatan matapos pagbabarilin ng mga Israeli forces malapit sa isang aid distribution center sa timog ng Gaza, ayon sa Hamas-run Civil Defence agency.
Naganap ang insidente noong Sabado ng umaga, habang ang mga tao ay nagtipon para kumuha ng mga suplay ng pagkain. Ayon sa isang tagapagsalita ng Civil Defence, binaril sila ng mga Israeli nang magtangkang magtulungan ang mga tao upang makalapit sa lugar.
Ayon sa Israeli military, nag-warning shots umano sila laban sa mga suspek na lumapit sa kanila habang pinagbabantaan daw sila.
Nagdesisyon naman ang Gaza Humanitarian Foundation (GHF), na tumutulong sa operasyon, na itigil muna ang pamamahagi ng mga suplay ng pagkain upang mapabuti ang kaligtasan at maiwasan ang sobrang dami ng tao.
Nabatid na nakita ng maraming Palestino ang kanilang pagkakataon sa mga roundabout malapit sa military zone ng Israel na kailangan nilang daanan upang makalapit sa aid site. Una nang nagbabala ang Israel Defense Forces (IDF) sa mga tao ng Gaza na ang lugar ay isang aktibong combat zone lalo na sa gabi.
Sa ngayon, mahigit 54,677 na mga Palestine civilian na ang nasawi mula nang magsimula ang digmaan sa Gaza, ayon ‘yan sa pinaka huling datos ng Ministry of Health ng Gaza.