Iniulat ng isang mataas na opisyal ng Israel na mataas parin ang porsyento ng mga Palestinian na hindi pa lumilikas kung saan 10% palamang umano sa 1 milyong residente ng Gaza City ang lumilikas o humigit kumulang 70,000 katao.
Batay sa ulat ng CNN usap-usapan na umano ang plano ng Israel na itigil ang mga humanitarian airdrops sa Gaza City at bawasan ang pagpasok ng mga truck ng mga pagkain sa bahagi ng Gaza Strip. Layunin umano nito na pilitin ang mga tao na lumikas na.
Noong nakaraang buwan, inihayag ng Coordination of Government Activities in the Territories (COGAT), ang departamentong nangangasiwa sa ayuda, na magbibigay ito ng mga tolda para sa mga Palestinian bago ilipat ang mga ito sa timog na bahagi ng Gaza.
Subalit hanggang noong Martes, 3,000 tolda pa lamang ang naipapasok, malayo sa target na 100,000 sa loob ng tatlong linggo.
Samantala, palalawakin ng U.S. at Israel ang mga distribution site ng kontrobersyal na Gaza Humanitarian Foundation (GHF), mula sa apat sa labing-anim.
Dagdag pa rito wala ni isa sa mga bagong site ang matatagpuan sa Gaza City ayon sa ulat ng CNN, kung saan wala pang katiyakan kung operational ang mga ito.
Una rito marami pa rin umanong residente ng Gaza City ang tumatangging lumikas kung saan mas pipiliin umano ng ilan na mamatay sa sarili nilang tahanan kaysa muling mapalayas sa kanilang lumapin.