Iniulat ng United Nations Human Rights Office na umabot na sa 798 ang nasawi sa mga lugar ng pinagmahagian ng tulong at sa paligid ng humanitarian convoys sa Gaza, ayon sa datos hanggang Hulyo 7.
Ayon sa tagapagsalita ng UN Human Rights Office na si Ravina Shamdasani, 615 umano ang nasawi malapit sa mga site ng Gaza Humanitarian Foundation (GHF) at 183 naman sa mga rutang dinadaanan ng mga aid convoy.
Ang GHF ay isang organisasyong suportado ng U.S. at Israel, na gumagamit ng private American security at logistics firms upang ipasok ang tulong sa Gaza, kadalasang hindi na dumadaan sa UN-led aid system.
Binatikos ito ng UN bilang “inherently unsafe” at labag sa prinsipyo ng humanitarian impartiality.
Nabatid na simula pa noong katapusan ng Mayo, nagsimulang mamahagi ng pagkain ang GHF sa Gaza, at itinanggi nitong may nangyaring insidente sa kanilang mga site.