Patuloy ang pag-tugis kay dating Bangladesh Prime Minister Sheikh Hasina matapos mahatulan ng death penalty o kamatayan dahil sa kaso ng katiwalian kaugnay ng ilegal na paglalaan ng lupa sa Purbachal New Town.
Ayon sa ulat umabot na sa kabuuang 21 taong pagkakakulong ang ibinabang hatol laban kay Hasina. Depensa ng hukuman sa Bangladesh ginamit umano ni Hasina ang kapangyarihan sa maling paraan upang makakuha ng lupa para sa sarili at sa kanyang pamilya.
Kasama ring hinatulan ang kanyang mga anak na sina Sajeeb Wazed at Saima Wazed ng tig-5 taon pagkakakulong ukol sa isa sa mga kaso.
Ang desisyon ay kasunod ng naunang hatol na ibinaba ng korte na death penalty noong Nobyembre 17, dahil sa umano’y crime against humanity laban sa madugong crackdown sa isang student uprising noong 2024, na ayon sa United Nations (UN), halos 1,400 katao ang napatay sa kaguluhan.
Nasa India ngayon si Hasina matapos tumakas noong Agosto 2024 sa gitna ng malawakang protesta.
BAKIT GANOON NA LAMANG ANG KAPIT NI HASINA SA INDIA?
Lumalim ang diplomatic tension sa pagitan ng Bangladesh at India habang umapela ang Dhaka sa extradition ni Hasina. Ayon sa mga eksperto, komplikado ang sitwasyon dahil sa matagal nang ugnayan ni Hasina sa India—isang kasaysayang nagsimula pa, 50 taon na ang nakalilipas.
Noong 1975, tumira si Hasina sa India matapos mamatay ang karamihan ng kanyang pamilya, kabilang ang kanyang ama na si Sheikh Mujibur Rahman, sa isang coup.
Nakatakas lamang siya at ang kanyang kapatid na si Rehana dahil nasa Germany sila noon. Sa kanilang pagbalik iginawad noon ni dating Indian Prime Minister Indira Gandhi ang asylum para sa magkapatid.
Nanirahan si Hasina sa iba’t ibang bahay sa New Delhi kasama ang kanyang asawa, MA Wazed, mga anak, at si Rehana. Nagtatrabaho rin siya noon sa All India Radio Bangla service upang mabuhay habang nasa exile.
Pagkalipas ng anim na taon, bumalik siya sa Bangladesh upang pamunuan ang partido ng kanyang ama at dahil dito nahalal siya bilang Prime Minister noong 1996, bago ang mas mahabang panunungkulan mula 2009 hanggang 2024.
Sa kanyang pamumuno, lalo pang lumakas ang relasyon ng Bangladesh at India—bagaman nakakatanggap ng batikos ukol sa kasunduang pinaboran umano nito ang mga kompanya na pagmamay-ari ng mga Indians.
Kaya’t nang mapatalsik at mapilitang tumakas noong Agosto 2024, malinaw na ang direksyong tatahakin ni Hasina kung hindi ang India.
Personal pa siyang sinalubong ni Ajit Doval, ang national security adviser ng India, nang lumapag ang kanyang helicopter sa labas ng New Delhi.
Habang sinasabi ng mga analyst na ang India ay maaaring tumanggi sa apela ng Bangladesh dahil sa “political character” ng mga kaso laban sa dating Prime Minister.
Sa pananaw umano ng New Delhi, ang Bangladesh ngayon ay pinamumunuan ng “anti-India forces.” Kaya’t malabo na ang usapin ng pagsuko kay Hasina na maaari pa raw maging legitimize sa mga grupong tumututol sa India.
POLITICAL MOTIVATED?
Habang patuloy ang panawagan ng Bangladesh na maibalik si Hasina sa bansa igiiniit ng kampo ni Hasina na ang mga kaso laban sa kanya ay hindi makatarungan at politically motivated.
Ayon kay Hasina, siya at ang opisyal na si Khan ay lumaban ng may mabuting intensyon upang mabawasan ang pag-supil ng mga taga-usig ng pamahalaan at idiniin na hindi nila iniutos ang malawakang pagpatay sa mga nagprotesta.
Tinawag niyang “rigged tribunal” ang korte kung saan hindi umano sila maaaring umapela maliban kung siya ay sumuko o mahuli sa loob ng 30-araw mula ng ibaba ang kanyang hatol.
Sa kasalukuyan pinamumunuan ni Nobel laureate Muhammad Yunus ang pamahalaan ng Bangladesh at nagbabala laban sa mga nag-nanais na guluhin ang pamahalaan.
Isa na rito ang mga protesta na gibain ang natitirang bahagi ng tahanan ni Rahman, ama ni Hasina na una nang nasira sa mga kaguluhan noong nakaraang taon. Mahigpit ding binabantayan ang mga gusali ng pamahalaan at ang buong kabisera ng bansa.
Mula noon, umasim na ang ugnayan ng Bangladesh sa India, lalo na’t nagsusulong si Yunus ng mas malapit na relasyon sa Pakistan at patuloy ang panawagan sa New Delhi na ibalik si Hasina sa bisa ng extradition treaty.
Noong Martes, Diyembre 2, pinalakas ng Ministry of Foreign Affairs ng Bangladesh ang apela nito sa New Delhi, at sinasabing obligasyon ng India na ibalik ang dating Prime Minister, upang maiwasan ang mga pag-aalala sa pagwawalang-bahala ng bansa ukol sa patuloy na pag-bibigay ng silungan kay Hasina.
TESNSYON BAGO ANG HALALAN, 2026
Kasabay ng tensyon bago ang halalan sa Pebrero 2026, nagbabala ang anak ni Hasina na si Sajeeb Wazed na posibleng magkaroon ng karahasan kung hindi aalisin ang pagbabawal sa partidong Awami League na lumahok sa halalan.
Samantala, nagpahayag naman ng pag-aalala ang UN na bagama’t mahalaga ang hatol para sa mga biktima, hindi dapat umano pinatawan ng kamatayan ang dating Prime Minister.
duda sa pagiging patas ng paglilitis sa kanyang kawalan. Ayon kay Ravina Shamdasani, tagapagsalita ng UN Human Rights Office, “Nananawagan kami ng due process at karampatang paglilitis at tinututulan ang parusang kamatayan sa lahat ng pagkakataon.”
Duda rin ang International Organization sa pagiging patas ng paglilitis dahil wala aniya ang akusado sa lugar para ipagtanggol ang kanyang sarili. Ayon kay Ravina Shamdasani, tagapagsalita ng UN Human Rights Office, na nananawagan sila ng due process at tinututulan ang parusang kamatayan sa lahat ng pagkakataon.











