-- Advertisements --

Patay ang dalawang katao matapos na sila ay pagsasaksakin sa northern Israel.

Ayon sa kapulisan na sinagasaan pa ng suspek ang biktima sa Beit Shean City bago nito pagsasaksakin ang isang babae.

Nabaril at napatay naman ng mga sibilyan ang suspek matapos ang insidente.

Nalaman ng mga otoridad na naninirahan ang suspek sa Qabatiya ng northern West Bank.

Sa kabuuan ay patay sa pagsagasa ang 68-anyos na lalaking biktima haban 16-anyos na binatilyo ang sugatan sa Beit Shean.

Habang sa pananaksak ay nasawi ang 18-anyos na babae sa Ein Harod.

Dahil dito ay naghahanda na ang Israel Defense Forces (IDF) na magsagawa ng operasyon sa Qabatiya area para tugisin ang ilang mga kasamahan ng suspek.