Mahigit 200 pamilya, o tinatayang 600 indibidwal, ang nawalan ng tirahan matapos sumiklab ang isang malaking sunog sa isang residential area sa Barangay Pleasant Hills, Mandaluyong City, noong Biyernes ng gabi.
Ayon sa Bureau of Fire Protection (BFP), ang sunog ay nagsimula sa paligid ng alas-6:38 ng gabi sa isang hilera ng mga bahay sa Victorio Street. Agad itong tumaas sa ikalimang alarma, kaya’t nag-deploy ng halos 60 fire trucks ang mga awtoridad.
Dahil karamihan sa mga bahay ay gawa sa light materials, mabilis kumalat ang apoy. Ayon sa BFP, idineklarang fire out ang sunog bandang alas-10 ng gabi at tinatayang aabot sa P1 million ang pinsala sa mga istruktura.
Dalawa sa mga residente, edad 51 at 23, ang nagtamo ng minor injuries sa insidente.















