-- Advertisements --

Umabot na sa kabuuang 212,022 katao ang natukoy na apektado sa pananalasa ng bagyong Paolo, batay sa official report ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) Disaster Response management.

Ito ay katumbas ng 66,993 pamilya.

Ayon sa DSWD, kabuuang 659 barangay ang naapektuhan mula sa Ilocos Region, Cordillera Administrative Region, Cagayan Valley, at Central Luzon.

Sa kasalukuyan, nakabukas ang 500 evacuation center sa iba’t-ibang bahagi ng Northern Luzon kasunod ng pagbayo ng naturang bagyo.

Nananatili sa loob ng mga evacuation center ang kabuuang 19,777 katao na katumbas ng 6,793 pamilya.

Pinili naman ng mahigit 8,700 katao na pansamantalang makitira sa kani-kanilang kakilala at kaanak.

Ayon sa DSWD, mayroong 11 bahay ang inisyal na natukoy na apektado habang patuloy pa ring bineberipika ang iba pa.