Magpapadala ang 3rd infantry division ng 2,524 na mga sundalo upang tumulong sa pagbibigay ng seguridad sa darting na halalan sa Mayo 12 sa Negros Island.
Ayon kay Col. Erwin Rommel Lamzon, tagapagsalita ng 3rd ID, 1,487 sa mga sundalong ito ay mula sa 302nd Infantry Brigade sa Negros Oriental, habang ang 1,037 naman ay mula sa 303rd IBde sa Negros Occidental. Kasama rin sa deployment ang mga miyembro ng Civilian Armed Forces Geographical Unit (CAFGU) Active Auxiliary.
Ang mga naturang sundalo ay sinanay sa contingency planning, crowd control, at legal orientation. Mayroon ding 42 mobility assets upang tulungan sa transportation ng mga election materials.
Ayon kay Police Brig. Gen. Arnold Thomas Ibay ng PRO-Negros Island Region, malugod na sinusuportahan ng mga sundalo ang humigit-kumulang 5,000 pulis sa rehiyon.
Pinayuhan ni Ibay ang mga law enforcer na manatiling neutral at mapanatili ang kaayusan.