-- Advertisements --
Natupok ng apoy ang mahigit 170 na gusali na ikinamatay ng isang katao sa naganap na pinakamalaking sunog sa loob ng 50 taon sa Japan.
Nagtulong-tulong ang mga helicopters ng bumbero at militar para apulhin ang sunog sa Oita City sa Saganoseki district.
Kumalat na rin ang sunog sa katabing bulubunduking bahagi ng lugar.
Dahil dito ay nagsagawa ang mga otoridad ng force evacuation ng 175 na residente.
Nagpapaabot naman ng pakikiramay at tulong si Japanese Prime Minister Sanae Takaichi.
Noong 2016 ay naganap din ang malaking sunog sa Itoigawa na nagresulta sa pagkakasunog ng 147 na gusali.
Patuloy ang ginagawang imbestigasyon ng mga otoridad sa nangyaring sunog.















