Umakyat na sa 1,770 ang bilang ng mga nasawi dahil sa coronavirus disease (COVID-19).

Nabatid na 101 ang nadagdag na bagong namatay, kung saan 100 sa mga ito ay mula sa Mainland China, habang isa naman ang nagmula sa Taiwan.

Sa ngayon may kabuuang nagpositibo sa virus na 71,323.

Habang 10,857 naman ang naka-recover, matapos unang ma-detect kaugnay ng naturang sakit.