CAUAYAN CITY-Patay ang isang magsasaka matapos na pagbabarilin sa barangay San Limbauan, San Pablo, Isabela.

Ang biktima ay si Wensley Leal Eugenio,55 anyos, may asawa,habang ang pinaghihinalaan ay si Florenzo Tippang, 52 anyos,,magsasaka at kapwa residente ng nasabing lugar.

Nakatanggap ng tawag ang San Pablo Police Station sila mula sa barangay kapitan ng nasabing barangay kaugnay sa naganap na pamamaril sa biktima.

Sa pagtugon ng pulisya napag-alamang kasama ng biktima ang kaniyang asawa na si Gng. Veronica Eugenio at kanilang mga anak na papauwi sa kanilang bahay nang pagbabarilin ng suspek.

Nagtamo ng tama ng bala sa kaniyang likuran ang biktima na nagsanhi ng kanyang kamatayan

Nagsasagawa na ng pagtugis ang mga pulis sa susopek na agad tumakas matapos isagawa ang krimen.