-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO- Inaresto ng mga otoridad ang isang magsasaka nang makunan ng maraming armas sa probinsya ng Cotabato.

Nakilala ang suspek na si Benjie Camensi Guanzon, 38 anyos, may asawa at residente ng Purok 7 Brgy Jose Rizal Makilala North Cotabato.

Ayon kay Makilala Chief of Police, Major Arniel Melocotones na tumanggap sila ng impormasyon sa mga armas na tinatago ni Guanzon sa loob ng kanyang bahay.

Agad ni-raid ng pulisya ang tahanan ng suspek base sa search warrant ng inisyu ng korte.

Narekober sa loob ng bahay ni Guanzon ang apat na kalibre.45 na pistola,isang.38 revolver,isang thompson,mga bala at magazine.

Walang maipakitang dokumento si Guanzon sa mga armas nitong tinatago kaya agad siyang hinuli.

Rason naman ng suspek na iniwan lamang sa kanya ang mga armas at inaayos dahil may mga sira.

Sa ngayon ay sinampahan na ng kasong paglabag sa RA 10591 o Comprehensive law on Firearms and Ammunitions ang suspek.