Pinaghahandaang mabuti ngayon ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang posibilidad ng paglala ng tensyon sa Taiwan.
Sa isang panayam kinumpirma ni AFP Chief of Staff Gen. Romeo S. Brawner Jr. na isa ito sa mga pinaghahandaan ng ayon ng kanilang hanay lalo na sa pagsasagawa ng paglikas ng humigit kumulang 150,000 na mga pilipinong nasa Taiwan.
Pagtitiyak ni Brawner, para masiguro ang kaligtasan ng mga mamamayang pilipino na nananatili sa loob ng naturang bansa, magsasagawa sila ng non-combatant evacuation operations na siyang agad na ipagbibigay alam sa iba pang hanay ng militar mula sa iba’t ibang rehiyon.
Samantala, nakatakda namang magsagwa ng conference ang AFP kasama si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. upang talakayin ang mga hakbang na maaari nilang gawin para makontra ang mga aksyon na ito ng China.