-- Advertisements --

BUTUAN CITY – Dumalaw si Police Regional Office-Caraga (PRO)-13 Regional Director Brigadier General Marcial Mariano Magistrado IV sa burol ng pulis na nakuryente habang nagsisilbi ng search warrant sa Barobo, Surigao del Sur noong Hulyo0a- 25 ng kasalukuyang taon.

Matatandaang sa naturang operasyon, hawak ni Patrolman Jankent Tuazon ang search warrant laban sa isang alyas Luisa na inaakusahan ng paglabag sa Republic Act 10591 o mas kilalang Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act.

Nang mapansin ng suspek ang operasyon, kanyang in-activate ang electric fencing system na naging dahilan upang nang mahawakan ito ng biktima, agad itong natumba at nawalan ng malay, na kaagad namang dinala sa ospital.

Inilipat pa ito sa isa pang ospital dito sa lungsod ng Butuan at inilagay sa intensive care unit (ICU), ngunit kalaunan ay binawian din ng buhay makalipas ang ilang araw.

Nalaman na si Tuazon, na mula sa Barangay Magaud sa Loreto, Agusan del Sur, ay miyembro ng 1301st Maneuver Company ng Regional Mobile Force Battalion (RMFB-13).

Tiniyak naman ni General Magistrado na bibigyan ng financial support ang naiwan nitong pamilya.