-- Advertisements --
Nakataas ang tropical cyclone wind signal number 2 sa Itbayat, Batanes dahil sa bahagyang paglakas ng bagyong Gorio.
Ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) na nakataas naman sa signal number 1 ang natitirang bahagi ng Batanes.
Nakita ang sentro ng bagyo sa may 300 kilometers East Northeast ng Itbayat, Batanes.
May taglay pa rin na lakas ng 130 kilometers per hour at pagbugso ng 160 kph.
Inaasahan na lalabas na Philippine Area of Responsibility ang bagyong Gorio sa hapon ng Miyerkules, Agosto 13 at mag-lalandfall ito sa Taiwan ng umaga rin ng parehas na araw.