BUTUAN CITY – Lumabas na ang katotohananng ‘magic’ lang ang 2025 budget at ang paglipat sa 90 billion pesos na pundo ng Philippine Health Insurance Corporation o Philhealth patungong National Treasury.
Ito ang reaksyon ni Atty. Sonny Matula, isa sa mga nagpetisyon sa nasabing isyu matapos na hindi binigyan ng budget ang PhilHelath para sa 2025, at ngayo’y may inilalaan nang ₱53 Billion para sa 2026.
Ayon kay Matula, hindi pa rin sapat ang nasabing pundo lalo pa’t, kailangan ding matanggap ng PhilHealth ang itinatakda ng batas na 80% ng 50% sa sin tax revenues para sa Universal Health Care (UHC) na tinatayang nasa mahigit ₱70 Billion.
Maalalang sa 2025 budget, nakatanggap ang ahensya ng ₱69.81 bilyon mula sa mga kita ng sin tax, ngunit sa kabila na wala itong budget para sa nasabing taon ay naipatupad pa rin nito ang zero billings ng ahensya na iniaalok sa mga na-ospital na mga miyembro.