Isinusulong ni Paranaque 2nd District Rep. Brian Raymund Yamsuan ang House Bill No. 3215 o magna Carta for Barangay health workers.
Tinatayang nasa 230,000 na barangay health workers sa buong bansa ang makikinabang kapag naging ganap na batas ang House Bill 3215 o Magna Carta for BHWs.
Ayon kay Yamsuan, ang may-akda ng panukala target nito na mabigyan ang BHWs ng buwanang honoraria na P3,000 hanggang P5,000.
Kabilang pa sa mga benepisyo sa ilalim ng House Bill ay ang mga sumusunod:
– Hazard allowance na hindi bababa sa P1,000 kada buwan
– Subsistence allowance na hindi bababa sa P100 kada araw
– Transportation allowance na hindi rin bababa sa P1,000 kada buwan
– One-time gratuity cash incentive na P10,000, para sa BHWs na nakapagsilbi ng hindi bababa sa 15 taon
– Insurance coverage sa ilalim ng Government Service Insurance System
– Training, education, at career enrichment programs
– Health benefits, kabilang ang otomatikong Philhealth membership
– Leave credits
– Cash gifts
– Civil service eligibility para sa BHWs na mayroon nang 5 taong serbisyo
Binigyang-diin ni Yamsuan, panahon nang tapatan ng mga benepisyo ang hindi matatawarang kontribusyon ng BHWs sa pagpapalakas ng ating healthcare system.