Pagtitibayin ng Department of Finance (DOF) ang regulasyon sa online gambling, kasama ang pagbabawal sa mga kawani ng gobyerno at mga indibidwal na wala pang 21 taong gulang na sumali rito.
Kasama rin sa plano ang pagbabawal sa mga government-owned-and-controlled corporations GOCC na mag-invest sa mga online gambling company.
Sisilipin ng DOF ang P1 bilyong investment ng GSIS sa DigiPlus, at tiniyak na walang investment ang Maharlika Investment Fund sa online gambling.
Pinag-aaralan din ng ahensya ang pagtataas ng buwis sa industriya, mula 25% hanggang 45% ng gross gaming revenues (GGR).
Magkakaroon din ng summit upang pag-usapan ang mga isyu sa pamamagitan ng whole-of-government approach.
Tuloy-tuloy ang gobyerno sa mga hakbang upang matiyak na hindi malulong sa sugal ang mga Pilipino.