-- Advertisements --
Binigyang diin ng Department of Information and Communications Technology (DICT) na patuloy ang kampanya nila laban sa iligal na online gambling.
Ayon kay DICT Secretary Henry Aguda, mahigit 8,000 iligal na websites na ang na-shutdown bago mag-weekend.
Binabantayan din ng DICT ang mga e-wallet providers upang matiyak na tinatanggal nila ang mga link at icon ng illegal gambling sa kanilang apps.
Sinabi ni Aguda na sumusunod naman ang mga e-wallet providers sa direktiba ng Bangko Sentral.
Kasalukuyang mino-monitor ng DICT ang pagsunod ng mga ito sa mga alituntunin.
Napansin ng DICT na ang ilang sangkot sa online gambling ay lumipat na sa Telegram.
Patuloy ang pagbabantay ng DICT upang mapigil ang paglaganap ng iligal na online sugal sa bansa.