-- Advertisements --
Inilunsad ng Department of Information and Communications Technology (DICT) ang Oplan Paskong Sigurado.
Layon ito ay para maiwasan ang publiko na sila ay mabiktima lalo na ngayong Holiday season.
Ayon sa DICT na sa ganitong panahon ay tumataas ang bilang ng mga biktima ng mga iba’t-ibang online scams gaya ng paggamit ng e-commerce, e-wallets.
Sinasamantala ng mga kawatan ang pagtaas ng remittance at cash bonuses mula sa mga Filipino.
Sinabi ni DICT Secretary Henry Aguda na 60 hanggang 70 percent na mga scams ay nangyayari tuwing Chirstmas season.
















