Pinalagan ni Philippine Coast Guard (PCG) spokesperson for the West Philippine Sea Commodore Jay Tarriela ang walang basehang akusasyon ng China na ang Pilipinas umano ang nagsasagawa ng mga probokasyon sa West Philippine Sea kasunod ng collision incident malapit sa Bajo de Masinloc noong Agosto 11.
Ayon sa PCG official, ang maritime patrols ng PCG kabilang na ang misyon ng BRP Suluan na paghahatid ng mga suplay para sa mga Pilipinong mangingisda sa lugar ay alinsunod sa international law at nakapaloob sa exclusive economic zone (EEZ) ng Pilipinas, taliwas sa iligal na presensiya ng mga barko ng China sa lugar.
Ipinunto din ng opisyal na absurd o walang katuturan ang claim ng China na ang Pilipinas ang naguudyok ng mga banggaan dahil imposible aniya ito gayong di hamak na mas malaki ang mga barko ng China na CCG 3104 na 80-90 metro ang laki habang ang People’s Liberation Army Navy (PLA-N) warship naman ay 157 meters kumpara sa patrol vessel ng PCG na BRP Suluan na nasa 44.5 meters lamang.
“it’s absurd for China to claim the Philippines is provoking collisions when common sense—and the sheer size disparity—makes that impossible. The PCG’s BRP Suluan is a modest 44.5-meter patrol vessel, while the pursuing Chinese vessels were far larger: the China Coast Guard’s CCG 3104 measures about 80-90 meters, and the People’s Liberation Army Navy (PLAN) destroyer Guilin (hull 164) stretches 157 meters. Video evidence shows the Chinese ships chasing the smaller Philippine vessel at high speeds, leading to their own mishap—not any “reckless maneuvers” from the Philippines”, saad ni Comm. Tarriela sa kaniyang X account.
Iginiit din ni Tarriela na ang inisyatibang Kadiwa para sa Bagong Bayaning Mangingisda ay mahalaga para mabigyan ng suplay ang mga ordinaryong mangingisdang Pilipino na direktang naapektuhan ng ilang taon ng harassment at pagharang ng mga Chinese sa Scarborough Shoal.
Hindi aniya scripted actors ang mga ito di tulad ng paggamit ng China ng maritime militia na nagkukubli bilang civilian fishing fleets para igiit ang kanilang control at takutin ang iba sa rehiyon.
“Manila’s mission was humanitarian, not provocative, and even offered medical aid to the Chinese crew after their self-inflicted collision, which was ignored”, giit pa ni Comm. Tarriela.
Panghuli, hinimok ni Tarriela ang China na aminin sa buong mundo na ang banggaan ng kanilang sariling mga barko ay bunga ng unprofessional at reckless behavior sa kanilang panig kabilang ang tangkang mapanganib na pagharang at lantarang paglabag sa International Regulations for Preventing Collisions at Sea.
Ginawa ni Comm. Tarriela ang pahayag matapos muling maglabas ng panibagong ulat ang China state-controlled media na Global Times na nagpapalabas na sinasadya umano ng Pilipinas ang probokasyon at inakusahan ang PH ng pagsasagawa ng reckless maneuvers at malign intent na itinatago umano bilang fishery supply missions.
“China’s state media spin ignores these realities and shifts blame to deflect from its own failures. The international community sees through it—escalation serves no one, and adherence to law is the path forward”.