CENTRAL MINDANAO – Wala ng buhay nang matagpuan ang isang magsasaka sa probinsya ng Cotabato.

Nakilala ang biktima na si Black Dimasingkil, 27, hiwalay sa asawa at residente ng Brgy. Damalasak, Pagalungan, Maguindanao.

Ayon kay Pikit chief of police, Major Mautin Pangandigan, natagpuan ng mga sibilyan ang bangkay ng biktima sa hangganan ng Brgy. Calawag at Brgy. Balong, Pikit, North Cotabato.

Nagtamo si Dimasingkil ng matinding pasa sa iba’t ibang parte ng kanyang katawan na palantandaan na pinagpapalo hanggang bawian ng buhay.

Dinala ang bangkay ng biktima sa municipal plaza ng Pikit at kinilala ito ng kanyang pamilya sa mga larawan na kumalat sa social media.

Agad namang kinuha ang bangkay ng biktima ng kanyang pamilya at inilibing.

Pagnanakaw ang natatanaw ng mga otoridad sa pagpaslang sa biktima dahil tinangay ng mga suspek ang kanyang motorsiklo.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here