San Miguel Beermen
San Miguel Beermen/ PBA image

Hindi nakaporma ang Magnolia sa San Miguel Beermen 90-89 sa nagpapatuloy na PBA Governors’ Cup.

Bumida sa panalo ng Beermen si Dez Wells na nagtala ng 33 points habang mayroong 16 points at 16 rebounds si June Mar Fajardo.

Aminado si Beermen coach Leo Austria na mula sa umpisa pa lamang ay magiging matindi na ang laro.

Nagpasalamat na lamang ang Beermen coach dahil kahit na maraming mga turnovers ay naipanalo pa nila ang laro.

Nanghinayang naman ang Hotshots dahil sa nasayang ang ginawang 31 points, 12 rebounds, anim na assists ni Romeo Travis at 22 points ni Paul Lee.