nucos la union wake OFW singapore

LA UNION – Nakatakda sanang umuwi sa bansa ang magkapatid na Arcely at Arlyn Nucos ngayong buwan para sa dalawang okasyon na kanilang dadaluhan ngunit hindi umano nila inaasahan ang nangyaring insidente sa Singapore.

Ito ang napag-alaman ng Bombo news team mula sa pamilya Nucos.

Ayon sa pamilya Nucos, isang kasalan at debut ang sana ay nakatakda nilang dadaluhan kung saan ang magkapatid ang nag-organisa nito.

Samantala, habang inihahatid sa kanilang tahanan sa Barangay San Carlos sa bayan ng Caba ang labi ni Arlyn ay hindi maiwasan maghinanakit ang pamilya kung saan hindi sa ganitong paraan ang inaasahan nilang pagdating nito.

Kung maaalala ang kapatid ni Arlyn na si Arcely nakaligtas pero sugatan sa naturang car crash.

nucos ofw singapore la union car crash

Sa panayam ng Bombo Radyo kay Erlinda Nocus-Fider panganay sa mga pinsan ng mga Nucos, sinabi nito na masakit para sa kanilang tanggapin ang nangyari kay Arlyn lalo pa at sa malayo ito nangyari.

Kaugnay nito, inaasahan nila na sa susunod pang mga araw ay dadagsain ang lamay ng kanyang pinsan kung saan ay darating ang iba pa nilang kamag-anak na manggagaling ng Barangay Al-alinao, sa bayan ng Naguilian dahil sa umano taga-doon ang kanilang mga ninuno.

la union singapore crash ofw nucos

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here