-- Advertisements --

Asahan ang magkakahalong galaw ng presyo ng mga produktong petrolyo sa sususnod na Linggo.

Ayon sa Department of Energy (DOE) na maaring magkaroon ng rollback ng P0.15 o pagtaas ng hanggang P0.30 ang kada litro ng gasolina.

Habang ang diesel ay maaring magkaroon din ng bawas presyo na aabot sa P0.40 sa kada litro at ang kerosene ay mayroong pagbawas ng mula P0.20 hanggang P0.40 sa kada litro.

Ilan sa mga dahilan na nakikita ng DOE ay ang patuloy na pag-uusap ng US at Iran ukol sa nuclear deal at ang paglamig ng tensyon sa pagitan na ng US at China.