KAPA KABUS OFFICES GENSAN AND SARANGANI 1

CAGAYAN DE ORO CITY – Siniguro ni Securities and Exchange Commission (SEC) Region-10 regional director Oliver Egypto na hindi sila titigil sa kanilang kampanya laban sa KAPA Community Ministry International, Inc. (KAPA) hangga’t hindi natitigil ang iligal na operasyon nito.

Sinabi ni Egypto na kanilang gagawin ang lahat ng kanilang makakaya kasama ng PNP at NBI Region-10 na mapasara ang tanggapan ng KAPA ni Pastor Joel Apolinario alinsunod na rin sa kautusan ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Umapela rin ito ng tulong at supporta sa publiko upang mapabilis ang pagpapasara sa mga iligal na investment scams.

Kailangan lang umanong gawin ng mga tao ay iwasan ng mag-invest sa naturang organisasyon.

Una nang ibinunyag ng SEC na sa kanilang pagtaya nanangangailangan ng P15 billion na pondo ang KAPA upang mabayaran ang nasa 5 milyon na mga miyembro nito kung sakaling hindi bababa sa P10,000 ang mga na-invest.