Nakuhanan ng mahigit P200,000 halaga ng pinaghihinalaang shabu ang mag-asawa sa Brgy. Culiat, Quezon City.

Sinabi ni Police Lt. Col. Alex Alberto ng Quezon City Police District (QCPD) Station 3 na ilang buwan nilang binantayan ang galaw ng mag-asawa.

Kilala ang mga suspek na tulak ng droga sa lugar kung saan ibinabagsak nila ang droga sa iba’t-ibang bahagi ng Metro Manila.

Inihahanda na ng mga kapulisan ang kaso laban sa mga suspek.