CAGAYAN DE ORO CITY – Nahuli sa isinagawang operasyon ng pulisya sa Bukidnon ang mag-ama na wanted sa kasong rape.

Kinilala ang mga akusado na sina Noel Tañeca, 52 anyos, top 5 most wanted person ng Misamis Oriental at ang kaniyang anak na si Robert Tañeca, 33 anyos, Top-1 most wanted person ng municipal level ng Misamis Oriental.

Ayon kay Gitagum Municipal Police Station commander Police Capt Ron Maba, na hinuli ang mag-ama sa bisa ng warrant of arrest na ipinalabas ni Presideng Judge Dennis Alcantara ng RTC Branch 44 sa bayan ng Initao.

Aniya, 15 taon na nagtatago sa Bukidnon ang mga akusado matapos nilang maggawa ang krimen sa Misamis Oriental.

Walang piyansa na inirekomenda ang korte para sa kanilang pansamantalang kalayaan.