-- Advertisements --

Ibinasura ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang hirit na dagdagan ang bilang ng mga motorcycle taxi sa Metro Manila.

Sinabi ni LTFRB chairman Atty. Teofilo Guadiz, na kapag ginawa nila ito ay mababawasan na ang kita ng mga drivers ng public utility vehicle.

Sapat na aniya ang unang napagkasunduan na hanggang 45,000 na lamang ang mga maximum na motorcycle taxis sa Metro Manila.

Giit nito na maaring magkaroon pa pagsikip ng trapiko kung dagdaga na ang mga motor taxis.

Sakaling dumami ang mga motorcycle taxis sa bansa ay tila mababalewala ang isinusulong nilang Public Transport Modernization Program (PTMP) kung saan wala ng tatangkilik sa mga dito.