-- Advertisements --
Pumalo sa 140,000 pasahero ang nagtungo sa Parañaque Integrated Terminal Exchange kahapon.
Ayon sa pamunuan ng pinakamalaking terminal sa bansa, karamihan sa mga biyahe na halos puno na ay patungo sa Bicol at Visayas.
Gayunpaman, tiniyak ng pamunuan ng PITX na mayroon pa ring mga biyahe, kung saan ang mga bus company ay nagdaragdag ng hanggang apat na biyahe araw-araw.
Inaasahan ng PITX na aabot sa 200,000 pasahero pagsapit ng Disyembre 23.
Pinalakas naman ang seguridad sa PITX sa tulong ng mga PNP help desk.
Hinimok rin ng pamunuan ng terminal ang mga byahero na huwag magdala ng masyadong maraming gamit.
Mahigpit rin na ipinagbabawal ng terminal sa mga pasahero ang pagdadala ng mga ilegal na kontrabando para hindi na maabala ang kanilang byahe.
















