-- Advertisements --

Nakatanggap muli ang Anti-Money Laundering Council (AMLC) ng panibagong freeze order sa mga assets ng mga pangunahing kontraktors at miyembro ng House of Representatives.

Ayon sa AMLC na ang nasabing freeze order ay kinabibilangan ng 1,193 bank accounts.

Sa kabuuan ay mayroon ng 6,538 bank accounts ang nai-freeze kasama na rin ang 367 insurance policies, 255 motor vehicles, 178 real properties, 16 e-wallet accounts at tatlong securities accounts dahil sa pagkakasangkot sa anomalya sa flood control projects.

Dagdag pa ng AMLC na mayroon ng kabuuang halaga na P20.3 bilyon ito at inaasahan na ito ay tataas pa habang lumalalim ang imbestigasyon.