Nagpahayag din ng pagsuporta ang Armed Forces of the Philippines (AFP) sa mga naging pahayag ng Department of National Defense (DND) hinggil pa rin sa 4-day ceasefire declaration ng Communist Party of the Philippines-New People’s Army (CPP-NPA).
Ayon kay AFP Spokesperson Col. Francel Margareth Padilla, nakapokus ang buong hanay ng militar sa pagtupad ng kanilang mandato na protektahan ang mga komunidad at mamamayang nasasakupan nito sa buong bansa.
Aniya, gaya ng itinuruan ng DND ay magpapatuloy ang mga military operations kung saan binjgyang diin ni Padilla ang kanilang mahigpit na koordinasyon sa Philippine National Police (PNP).
Samantala, kasunod nito ay tiniyak naman ni Padilla na ang buong hanay ng kasundaluhan ay mananatiling mapagmatyag at magbabantay sa seguridad ng publiko para sa pagsusulong ng mapayapa at ligtas na kapaskuhan para sa lahat ng Pilipino.
















